Worth it ba magtayo ng Filipino store na negosyo sa Canada? Mag-business tayo sa Toronto

Gusto mo bang malaman kung worth it ba ang kikitain sa negosyong Filipino store dito sa Canada, kabayan? Sa article na ito, idi-discuss ko ang experience namin ukol sa pasok ng pera sa tindahang Pilipino dito sa Canada. 


Umpisahan na natin!!


Magandang araw ulit mga kababayan. Nais kong i-discuss ang experience namin sa pagpapatakbo ng Filipino store business - specifically tungkol sa kung maganda ba ang kinikita ng isang tindahang Pilipino dito sa Toronto, Canada. 


Sa darating na November 2023 ay magta-tatlong taon na kaming nagbi-business ng Filipino store dito sa Canada. Although bagong experience para sa amin ang magkaroon ng tindahang Pilipinong ganito, ay marami-rami na rin naman kaming natututuhan sa pagpapatakbo ng ganitong negosyo. Nao-obserbahan din namin ang pasok ng pera sa ganitong hanapbuhay.


Nabanggit ko na na sa unang araw pa lamang na buksan namin ang Filipino store na ito ay mayroon na agad pumapasok na benta sa amin dahilan sa mayroon na itong mga dating mga customer at established na nga ang tindahan since 20 years ago. 


At nagkataon naman na noong ma-acquire namin ang tindahan ay panahon ng pandemic. Sadyang sobra ang busy ng tindahan nung panahon ng pandemic - taong 2020 hanggang 2021 at ilang buwan pa ng 2022. Blessed na blessed talaga kami na dumating sa amin ang Filipino store na ito nung panahon ng pandemya. 


Pila ang mga customer na nais mamili sa tindahan noong mga panahon na iyon. 


Sa ka-swertihan ay nabawi agad ng anak namin ang inilabas nyang puhunan nang wala pang isang taon. Nov. 2019 nung magsimula kami. Sulit, ika nga ang pagdating ng Kapamilya Filipino store sa amin. 


Pero noong magsimula nang magluwag ang lock down at unti-unti nang nagbubukas ang mga mall at iba pang mga restaurant at kainan ay napansin namin na unti-unti na din bumaba ang dating ng mga customer sa amin. 


Although hindi naman talaga bumagsak ang sales, hindi na kasing busy ang tindahan kumpara noong pandemic.


Bandang katapusan ng 2022, napagtanto namin na ang pasok ng benta na dumarating sa araw-araw ay ang malamang ay ang regular o common na sales ng Kapamilya store kapag wala ang pandemic. 


Although bumaba ang benta, ayos pa din naman at maganda ang kalagayan ng tindahan sa kadahilanang mabilis pa din ang turn-over ng mga paninda at maganda din ang takbo ng remittance. 


Sa katunayan, kung pagbabasihan ang record keeping na ginagawa namin magpahanggang ngayon (Oct. 2023) ay maayos na maayos ang takbo ng negosyo.


Anyway, para madagdagan ang benta - naisip namin na magdagdag ng iba pang mga pwede namin mai-offer sa mga customer namin na hindi namin naisip noong panahon na sobrang busy kami. 


KUng sa umpisa ay mga Filipino groceries lang ang mga paninda namin ay nagdagdag kami ng mga panindang kakanin katulad ng suman, sapin-sapin, puto, kutsinta at iba pa. Naglagay na din kami ng mga naka-empake na lutong Filipino food katulad ng kare-kare, bopis, Filipino barbecue, etc. Pero tuwing weekends lang ang mga ito dahil sa wala kaming kitchen dito sa tindahan. 


Ang lahat ng mga bagong offer na iyon ay hinahango lamang namin sa ibang mga supplier o Filipino kitchen na lisensyado magbenta ng pagkain, dahil nga sa wala kaming kitchen na required para makapagluto.


Ang masasabi ko lang pagdating sa pasok ng pera sa Filipino store na ganito - depende sa location, magandang hanapbuhay ang Filipino store sa Toronto. Kaya nitong bumuhay ng isang pamilya - mag-asawa at isa o dalawang anak - kung hindi maluho ang magmamay-ari. 


Ayon sa obserbasyon ko, malaking bentahe ang established na ang negosyo, malapit sa mga apartment buildings at mayroong parking space - katulad ng sitwasyon o location ng Filipino store namin. Ang kulang lang sa puwesto namin ay iyung maramihang foot traffic na sigurado namang magpapataas ng upa sa pwesto. 


At ayon din sa obserbasyon ko, kung mayroon lang kaming lutuan o kitchen sa tindahan at mayroon kaming tindang ulam sa araw-araw ay makakadagdag sa magandang kita ng tindahan.


Ngunit sa kabuuan ay masasabi kong maayos ang pasok ng pera sa business na Filipino store sa Canada - lalo na at kumpleto sa mga panganga-ilangan ng mga kababayan natin - groceries at pagkain - at tama ang location.


So, hanggang dito na lamang at sana ay mayroon kayong napulot na ideya ukol sa pagtatayo ng Filipino store and groceries sa Toronto.





Comments

Popular posts from this blog

Love to cook Filipino food? Gain an unfair advantage from other food sellers! Have your own Filipino store!

Paano kami nag-start ng Filipino store business namin sa Canada?